Posts Tagged ‘interview’

SRO Exam and Interview

March 19, 2010

So, I had my exam and interview sa SRO yesterday. I reached the office at 7:30am and to my suprised grabeh na ang pila as in nandon na ako sa dulo! Pero mga 8:30 nagpapasok na sila. Kaya bring your id kasi kailangan may visitor’s pass kayo! iiwan nyo ang id sa lobby.

Pag akyat ko sa taas another pila ulit. first yung kukunin ang folder sa loob. Pila yon pero alphabetically arrange sya kaya di kayo malilito. Tapos pumirma kami sa parang attendance sheet at bingyan kami ng form for interview na doon isusulat ng mag interview ang evaluation nya sa iyo. Tapos another pila na naman for the encoding ng informations pero mabilis lang naman. Right after that, mag exam na kayo.

50 items ang exam, ibat ibang set ang binibigay. Basic and general nursing lang ang coverage nya. After ng exam namin, binigay na agad ang result since natapos ako agad, na check agad ang paper ko at nakasama ako sa first batch for interview.

Doon ako napunta sa arabianang girl, sabi nila intimidating daw pero di naman kasi mukha naman syang mabait she asked me personal questions first kung ilang years na ako nag wowork, saan, at anong area. then after that she asked me situational cases sa work. Sobrnag dami kasi ang natanong nya sa akin dahil 3 years na ang experience ko sa ER. Pero don’t you guys worry kayang kaya nyo sagutin basta confident kayo. at presence of mind!

Right after the interview nakalimutan ko lahat ng sinabi ko at sinabi ng nag interview sa akin she smiled at me at mag wait daw ako sa counter for the result. Tapos yon tinawag ang name ko pinapasok kami sa lobby at yon binigyan na kami ng letter of appointment at yung slip for medical referral! Nandon na kasi yung GAMCA mismo sa SRO kaya di na kami pumunta pa ng GAMCA kaso na delay ang printing ng referral dahil naglka brown out sa GAMCA. So far ito pa lang yung experience ko!

Kanina pala, pumunta ako ng POEA for briefing lang! for medical na kasi ako sa monday yon po pa lang ma e shashare ko if you have questions just ask..=) leave me a comment. para masagot ko agad..=)